Respiratory failure at secondary to Pneumonia, sanhi ng pagpanaw ni ex-Speaker Prospero Nograles

Photo credit: Former House Speaker Prospero Nograles’ Facebook account

Respiratory failure, secondary to pneumonia ang sanhi ng pagkamatay ni dating House Speaker Prospero Nograles.

Ito ay ayon sa kanyang anak na si PBA Partylist Rep. Jericho Nograles.

Ayon naman kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, gaganapin ang burol sa kanyang ama sa Chapel 1 ng Heritage Park, Fort Bonifacio, Bonifacio Global City sa Taguig.

Magsisimula ang viewing sa araw ng Linggo, May 5 hanggang Lunes, May 6.

Pagkatapos nito ay dadalhin na ang mga labi ni dating House Speaker Nograles sa Davao sa May 7.

Pumanaw si dating House Speaker Nograles araw ng Sabado sa edad na 71.

Read more...