Tumamang lindol sa Cagwait, Surigao del Sur itinaas sa magnitude 5

Phivolcs photo

Itinaas sa mganitude 5 ang tumamang lindol sa Surigao del Sur, Linggo ng umaga.

Sa earthquake information no. 2 ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 81 kilometers Southeast ng Cagwait dakong 9:56 ng umaga.

May lalim ang lindol na 28 kilometeres at tectonic ang origin.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Ngunit, ibinabala ang posibleng maranasang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...