FEU tuloy sa UAAP women’s volleyball campaign matapos talunin ang Ateneo

Tristan Tamayo, Inquirer.net

Nalampasan ng Far Eastern University (FEU) ang matinding opening set para talunin ang Ateneo Sabado ng gabi.

Dahil dito ay napwersa ang Final Four decider game sa UAAP women’s volleyball.

Pinangunahan ni Heather Guiono-o ang panalo ng FEU sa ginawa nitong 17 points.

Nakahabol ang FEU at lumamang pa ng 2 sets pero muling lumakas ang Lady Eagles kaya nagkaroon ng ikalimang set.

Pagkatapos ay gumawa ang Lady Tamaraws ng 12-3 windup kaya magkakaroon pa ng tinatawag na rubber match sa Miyerkules.

Read more...