21 katao nasugatan sa pagbagsak ng eroplano sa ilog sa Florida

Dalawamput-isang pasahero ang dinala sa ospital dahil sa minor injuries matapos na lumampas ang isang chartered Boeing 737 sa runway at nag-landing sa ilog sa Florida.

Galing ang eroplano, na inooperate ng Miami Air International, sa Guantanamo Bay sa Cuba at papunta sa military base sa Jacksonville.

Pero dahil sa masamang panahon ay lumampas ito sa runway at dumiretso sa St. John’s River.

Lumabas ang 136 pasahero at pitong crew sa pamamagitan ng mga pakpak ng eroplano.

Ayon kay Jacksonville Mayor Lenny Curry, walang naitalang namatay sa naturang insidente.

Nag-alok na rin anya ng tulong si President Donald Trump.

Ilang government units naman ang tumugon sa eroplano na hindi lumubog sa ilog at nasa mababaw lamang na bahagi.

Samantala, sinabi ng Boeing na tinutulungan nila ang US National Transportation Safety Board na nag-iimbestiga sa crash.

Read more...