Jeremy Renner: ‘I love Palawan’

Walang gatol na sinabi ng Hollywood actor na si Jeremy Renner na mahal niya ang Pilipinas at ang mga isla sa bansa.

Pahayag ito ni Renner sa isa sa mga panayam sa promotion ng “Avengers: Endgame.”

Si Renner ay kinapanayam ng vlogger at dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Wil Dasovich.

Sa pagtatapos ng panayam ay iminungkahi ni Dasovich kay Renner at kasama nitong si “Captain Marvel” star Brie Larson na bumisita sa Pilipinas kapag tapos na sila sa press tours.

Sa puntong ito ay biglang binanggit ni Renner ang Palawan na ayon sa aktor ay gustong gusto niya.

Tinanong din ni Renner si Dasovich kung naayos na ba ang Boracay, bagay na sinagot ni Wil na naayos na ang sikat na tourist destination.

Bago makalabas si Dasovich ay pahabol na sinabi ni Renner na “I love the Philippines.”

Si Renner ang gumanap na Hawkeye sa Avengers: Endgame.

Read more...