Ilan pang kumpanya nag-anunsyo ng rollback sa presyo ng petrolyo

Nag-anunsyo ang ilan pang kumpanya ng langis ng rollback sa presyo ng kanilang produktong petrolyo araw ng Sabado.

Epektibo sa susunod na linggo ang bawas presyo ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines.

Magpapatupad ang mga ito ng P0.90 na tapyas sa kada litro ng gasolina; P0.80 sa diesel at P0.80 sa kerosene.

Ipapatupad ng Shell ang price adjustment sa Martes May 7 habang ang Seaoil ay may rollback sa Linggo May 5.

Una nang inanunsyo ng Petro Gazz ang bawas na P1.00 sa kada litro ng gasolina at P0.80 naman sa kada litro ng diesel.

Nagpatupad din ng parehong rollback ang Phoenix Petroleum Sabado ng hapon.

Read more...