Ramadan simula na sa Lunes

Magsisimula na sa Lunes May 6 ang Islam holy month na Ramadan.

Sa anunsyo ni National Commission on Muslim Filipinos Secretary Saidamen Pangarungan, walang “moon sighting” araw ng Sabado.

Dahil dito, alinsunod sa Bangsamoro Darul Ifta, opisyal na idineklara na magsisimula ang Ramadan sa Lunes.

Ang Ramadan, na isa sa mga haligi ng Islam, ay ang panahon ng pagninilay at sakripisyo sa layong lalong maging malapit ang mga Muslim kay Allah.

Oobserbahan ng lahat ng mga Muslim sa buong mundo ang abstention kabilang sa sexual activity, bisyo, pagkain at tubig tuwing araw sa loob ng isang buwan.

Read more...