Bahay sa isang subdivision sa Quezon City nasunog

Screengrab of Jeannie E. Villarico video

Natupok ng apoy ang isang malaking bungalow-type na bahay sa Kingspoint Subdivision sa Barangay Bagbag, Quezon City Sabado ng hapon.

Itinaas ng Quezon City Fire Department sa ikatlong alarma ang sunog sa pangambang kumalat ang apoy mula sa bahay sa kanto ng King Henry at King Solomon Streets sa iba pang bahay dahil sa matinding init ng pahon.

Nasunog ang halos lahat ng gamit sa bahay dahil agad kumalat ang sunog.

Dakong 2:58 ng hapon ay tuluyang naapula ang sunog.

Iniimbestigahan ang dahilan ng sunog at ang halaga ng naabong ari-arian.

Read more...