Malacañang, malaki parin ang respeto sa press freedom

Kasabay sa pagdiriwang ng World Press Freedom day, sinigurado ng Malacañang sa publiko na patuloy nilang rerespetohin ang press freedom ng bansa.

Ayon kay Palace Spokesman Salvador Panelo, naniniwala ang pangulo na ang mga mamamahayag ay mayroon malaking papel sa ating demokrasya at kaakibat ito sa totoong pagbabago.

Dagdag pa ni Panelo, sa unang buwan ni Duterte bilang pangulo, naglikha agad ito ng Presidential Task Force on Media Security para proteksyonan ang mga manggagawa sa media at isulong ang kalayaan sa impormasyon sa loob ng sangay ng gobyerno.

At noong Oktubre 2016, nilagdaan ni Duterte ang Administrative Order 1, na lumilikha ng Presidential Task Force on Media Security, na may utos ito na protektahan ang buhay, kalayaan at seguridad ng mga manggagawa sa media at kanilang mga pamilya.

Read more...