4 sugatan dahil sa aksidente sa Zamboanga City

Wikipedia map

Nagkarambola ang tatlong motorsiklo at apat ang sugatan sa Brgy. Pasonanca, Zamboanga City, Biyernes ng gabi.

Ayon sa pulisya, nawalan ng kontrol sa manibela ang isang binata dahilan ng pagbangga rin niya sa dalawang kasalubong na motorsiklo.

Sugatan ang binata at ang angkas nito at pati na rin ang dalawang driver na kasalubong nito.

Iimbestigahan naman ng mga pulis ang nangyaring aksidente at kung may pananagutan ang contractor ng asphalt overlay project dito.

Read more...