Isa patay sa ikinasang buy bust operation sa Calamba

Isang lalaki ang patay sa ikinasang buy bust operation sa Brgy. Prinza Calamba, Laguna, Biyernes ng hapon.

Ayon sa pulisya, nanlaban ang suspek na si Eduardo Dumasing kaya nagpaputok ang mga pulis na naging dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Ang nanguna sa operasyon ay ang Provincial Intelligence Branch ng Laguna Police bandang alas-tres ng hapon.

Si Dumasing umano ay isang hitman rin ng isang drug group.

Read more...