John Lloyd, nananatili pa ring ‘Best Endorser’ sa kabila ng kaniyang pananahimik sa showbiz nang ilang taon

Sa kabila ng pananahimik ni John Lloyd Cruz sa showbiz, ikinukonsidera pa rin siya bilang ‘Best Endorser’.

Sa isang teaser video ng Turks, may isang silhouette ng lalake na kahawig ni John Lloyd ang nasa video na may 3.2 million views at 800 shares at noong nakaraang lunes lamang ay ibinunyag ng ‘Turks’ na si John Lloyd talaga ang lalakeng nasa video.

Ayon sa pahayag ni Turks President Gem Zenarosa, hindi lamang umano magaling na actor si John Lloyd kundi isa rin siyang artista na kayang mag-isip kung paano niya iaangat ang kaniyang sarili.

Kahit umano nawala siya sa industriya ng showbiz ay nananatili pa rin ang pagmamahal sa kaniya ng kaniyang mga fans at mayroon siyang solid followers na kaya siyang suportahan sa lahat ng paraan.

Read more...