Dating House Speaker Nograles, pumanaw na sa edad na 71

Pumanaw sa edad na 71 taon si dating House Speaker Prospero Nograles, ito ay ayon sa kanyang anak na si Cabinet secretary Karlo Nograles.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Karlo sa mga taong nakasama at naka-trabaho at sa lahat na naging parte ng buhay ng kaniyang ama.

Humihingi namana si Karlo sa publiko ng patuloy na panalangin para sa kanyang pamilya.

Hindi naman sinabi nito kung ano ang dahilan sa pagkamatay ng kanyang ama.

Si Nograles ay naging speaker noong 2008 sa panahon ng Arroyo administration at naging congressman din siya ng 1st District ng Davao City.

Read more...