Iniimbestigahan na ng National Food Authority (NFA) ang ilang mga pekeng kooperatiba na umano’y ginagamit ng ilang mga negosyante para makapagbenta ng palay sa ahensya.
Nauna nang sinabi ni Agriculture Sec. Manny Piñol na nakatanggap siya ng mga ulat na ilan mga negosyante ang nasa likod nasabing modus.
Sinabi ni NFA administrator Tomas Escarez na karamihan sa mga ulat na natanggap ay mula sa Central Luzon.
Ipinaliwanag ng opisyal na base sa mga umiiral na patakaran, kailangan ng farmers passbook at certification mula sa Department of Agriculture ng isang kooperatiba bago makapagbenta ng palay sa NFA.
Binigyang-diin rin ni Escarez na mahigpit sila sa pagpapatupad ng mga alituntunin na tanging mga registered cooperative lamang ang siyang bibilhan nila ng palay.