Occidental Mindoro at mga kalapit na lugar nilindol

Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang lalawigan ng Occidental Mindoro at mga kalapit na lugar.

Sa ulat ng Philvolcs, naitala ang pagyanig 9:05 ng umaga at ang epicenter nito ay natagpuan sa bayan ng Rizal.

Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 12 kilometro.

Pero sa ulat ng U.S Geological Survey (USGS), naitala ang pagyanig sa lakas na magnitude 5.7.

Nagbigay ng babala ang Phivolcs sa mga residente sa lugar na mag-ingat dahil sa mga inaasahang aftershocks.

Wala namang inilabas na tsunami warning ang mga otoridad.

Read more...