Drug suspek patay sa engkwentro sa Bulacan

Nasawi ang isang drug suspek matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Brgy. Tungkong Mangga San Jose del Monte, Bulacan.

Ayon kay San Jose del Monte police chief Lt. Col. Orlando Castil Jr. nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya laban sa suspek na si alyas Ryan.

Ang suspek ay nasa drugs watchlist ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nakaramdam si Ryan na pulis ang kanyang katransaksyon kaya’t nagpaputok ito ng baril at nauwi sa engkwentro.

Nasawi ang suspek at nakatakas naman ang kanyang kasamahan na hindi pa alam ang pagkakilanlan.

Nakuha mula sa crime scene ang ilang sachet ng hinihinalang droga at isang sumpak.

Read more...