Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, frontal sytem o boundary ng malamig at mainit na hangin ang umiiral ngayon sa extreme northern Luzon.
Magdadala ang naturang weather system ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Ilocos Norte, Apayao, Cagayan at Batanes.
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay maalinsangan pa rin ang panahon lalo na sa tanghali at hapon na may posibilidad ng mga biglaang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap naman ang kalangitan sa buong Visayas at Mindanao na may posibilidad din ng biglaang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Pinag-iingat ang mga mangingisda sa mga baybaying dagat ng extreme northern Luzon dahil sa gusty winds o biglaang bugso ng hangin.