Ayon kay Diokno, ito ay dahil sa gastos ngayong panahon ng eleksyon, gayundin ang gastos sa konstruksyon, investment at manufacturing.
Paliwanag ng BSP Governor, ang inflation sa April na 3 percent ay alinsunod sa forecast ng ahensya na 2.7 percent hanggang 3.5 percent.
Sa pagtaya na lalago ng 6 percent ang gross domestic product (GDP), sinabi ni Diokno na posibleng bahagya itong mas mataas.
Sa nakalipas na kwarter ay lumago ang ekonomiya ng bansa sa 6.3 percent habang 6.2 percent naman sa buong taon ng 2018.
Nakatakdang ilabas ang GDP data sa Huwebes May 9.
MOST READ
LATEST STORIES