San Miguel itinabla sa 1-1 ang PBA Finals kontra Magnolia

Bumawi ang San Miguel sa Game 2 matapos itabla ang PBA Philippine Cup finals sa 1-1 kontra Magnolia sa score na 108-101.

Maganda ang laro ng Beermen mula ikalawang bahagi ng laban at tuluyan nitong kinontrol ang Hotshots para tumabla sa kanilang best of seven series.

Ayon kay Coach Leo Austria, iniwasan nilang maging 2-0 ang serye kaya sinabihan nito ang kanyang mga players na paigtingin ang depensa.

Ang naging istratehiya pa ng defending champion ay hindi mag-concentrate kay June Mar Fajardo.

Pinangunahan nina Chris Ross at Alex Cabagnot ang panalo ng koponan at lima pang Beermen ang nagtala ng twin digits kabilang si Terrence Romeo na na-eject anim na minuto pa ang natitira sa laban dahil sa dalawang technical fouls.

Umasa naman ang Magnolia kay Ian Sangalang na gumawa ng 18 points.

Magiging kritikal ang Game 3 sa Linggo na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

Read more...