Kennon Road mananatiling sarado sa mga motorista

Sinuspinde muli ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nakatakda sanang pagbubukas sa Kennon Road sa mga motorista.

Dapat ngayong araw ng Biyernes, May 3 ay bubuksan na sa mga motorista ang Kennon Road.

Gayunman, base sa payo ng Task Force Kennon Road, kailangang sumailalim pa sa masusing inspeksyon ang kalsada.

Ito ay matapos tumama ang 6.1 magnitude na lindol sa Luzon kung saan naitala ang Intensity IV sa Baguio City.

Pinayuhan ang mga motorista na galing at patungo ng Baguio City na sa Marcos Highway o Asin-Nangalisan-San Pascual-Rizal-Anduyan Road na lamang muna dumaan.

Read more...