2 patay sa pananambang sa Talisay City, Cebu

Patay ang dalawa katao sa pamamaril sa Talisay City, Cebu Biyernes (May 3) ng hapon.

Ayon sa Talisay City Police, bagong laya ang mga biktima mula sa kulungan.

Nakasakay umano ang mga biktima sa taxi kasama ang dalawang iba pa nang biglang pagbabarilin ng riding-in-tandem.

Hinayaan naman ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang driver ng taxi at dalawang kasama ng mga biktima.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa krimen.

Read more...