SC nagtakda na petsa para sa pagkuha ng clearance ng mga nakapasa sa bar exams

Mayroong mahigit isang buwan ang mga nakapasa sa 2018 nbar exams para kunin ang kanilang clearance.

Sa abiso ng Public Information Office (PIO) ng Supreme Court, maaring kuhanin ang clearance sa Office of the Bar Confidant mula May 7 hanggang June 11, 2019.

Inabisuhan ng SC ang mga bar passer na maghanda ng halaga na P6,050.

Ito ay para sa oath fees (P3,850 at IBP dues (P2,200), kabilang na ang building fund.

Pinagdadala din ang mga kukuha ng clearance ng 3 valid ID, ang isa ay para sa security at 2 ay kailangang i-resent sa OBC.

Read more...