Anim pasok sa shortlist ng JBC para sa susunod na mahistrato sa CTA

Anim na nominado ang nakapasok sa shortlist ng Judicial and Bar Council (JBC) para sa dalawang bakanteng pwesto bilang associate justice ng Court of Tax Appeals (CTA).

Inilabas ng JBC ang shortlist, Biyernes, May 3 na isusumite nila kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang sa mga napasa sa shortlist sina Henry Angeles, Jean Marie Bacorro-Villena, Lorenza Bordios, Ma. Celestina Cruz-Mangrobang, Olivia Escubio-Samar at Maria Rowena Modesto-San Pedro.

Ang shortlist ay pirmado ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin na ex-officio chairperson ng JBC at iba pang miyembro.

 

Read more...