‘Avengers: Endgame’ nagtala ng rekord sa Twitter; Pilipinas ikatlo sa buong mundo na may pinakamaraming tweet tungkol sa pelikula

Maliban sa record na naitala sa box office, nagtala din ng record sa Twitter ang pelikulang ‘Avengers: Endgame’.

Ang ‘Avengers Endgame’ na ang maituturing na “most Tweeted about movie” matapos makapagtala ng mahigit 50-milyung tweets mula lamang noong Enero 2019.

Halos kalahati sa nasabing bilang ay nai-tweet ng netizens ang sa nakalipas lang na isang linggo o noong panahon na nagsimulang ipalabas ang Endgame.

Ang Pilipinas naman ang pumangatlo sa mga bansa sa buong mundo na nag-tweet ng tungkol sa pelikula.

Narito ang top 10 na mga bansa na may pinakamaraming tweets kaugnay sa Engame.

1. USA
2. Brazil
3. Philippines
4. Thailand
5. Malaysia
6. Japan
7. UK
8. Mexico
9. Indonesia
10. France

Tinalo naman ni ‘Thanos’ ang Marvel heroes dahil ang “#Thanos” ang most duscussed sa Twitter na sinundan nina “#Thor” at “#IronMan”.

Narito ang pagkakasunud-sunod ng most discussed characters sa Twitter.

1. #Thanos
2. #Thor
3. #IronMan
4. #CaptainAmerica
5. #Hulk
6. #Loki
7. #Spiderman
8. #BlackWidow
9. #Groot
10. #Nebula

Read more...