Ito ay bunsod ng mga natatanggap na intelligence warning sa posibleng banta ng pag-atake sa mga magsisimba.
Ayon sa security forces ng bansa, nananatili pa ring mataas ang alerto sa posibleng pag-atake ng mga militante bago magsimula ang Islamic holy month ng Ramadan.
Ani Colombo Archdiocese spokesman Edmund Tillekeratne, hindi pa bumubuti ang lagay sa kanilang lugar.
Dahil dito, sinabi ni Cardinal Malcolm Ranjith, Archbishop ng Colombo na maliban sa mga simbahan, hiniling din sa lahat ng pribadong Catholic school na magsara muna para sa kaligtasan ng lahat.
Matatandaang umabot sa halos 250 na katao ang nasawi sa serye ng pagsabog sa ilang simbahan at hotel sa lugar noong Easter Sunday o Linggo ng Pagkabuhay.