Pitong Filipino na biktima ng illegal trafficking sa Iraq pauwi na ng bansa

Pauwi na ng Pilipinas ang pitong Filipino na biktima ng illegal trafficking sa Iraq.

Nagtungo ang mga biktimang Pinoy sa Embahada ng Pilipinas sa Iraq noong Pebrero at nanatili hanggang Abril.

Sa Facebook post ng embahada, nagpasalamat ito sa mga tumulong at nagbigay ng mga damit, sapatos at ilang kagamitan para sa tatlong buwang pananatili ng mga Pinot.

Marami kasing Pinoy ang walang ibang gamit kundi ang kanilang suot na damit nang dumating sa embahada.

Nagpasalamat din ang embahada sa mga bumisita at nagbigay ng counseling sa mga biktimang Pinoy.

Read more...