Mas mataas na passing rate sa 2019 bar exams tiniyak ng SC

Magkakaroon ng mas mataas na passing rate sa 2019 Bar examinations, ayon kay Associate Justine Marvic Leonen.

Ito ang tiniyak ng chairman ng 2019 Committee on Bar Examinations kasunod ng tweet ng isang netizen.

Nakalahad sa tweet ang pagkabahala na baka mas bumaba ang passing rate sa susunod na taon.

Umabot sa 22.07 percent ang passing rate ng 2018 bar results kung saan 1,800 mula sa 8,155 na kumuha ng exam ang nakapasa.

Nanguna sa 2018 Bar exam ang law graduate na si Sean James Borja mula sa Ateneo de Manila University na may iskor na 89 point 306.

Read more...