Justine Bieber at YouTube may binubuong ‘top secret’ project

Inanunsiyo ng YouTube na mayroon silang binubuong ‘top secret project’ kasama ang Canadian pop star na si Justin Bieber.

Ayon sa YouTube, kasalukuyan nilang tinatalakay ng Grammy-winning singer ang naturang proyekto.

Nakatakda anilang ilabas ang proyekto sa taong 2020.

Wala naman karagdagang detalye na inilahad ang YouTube.

Bago ilabas ang kaniyang debut song noong 2009, matatandaang nagsimula ang singing career ni Justin sa pamamagitan ng paglalabas ng cover songs sa YouTube.

Ilan sa mga unang pinasikat na kanta ni Justin ang “Baby,” “Sorry” at “Boyfriend.”

Read more...