Pagpatay sa isang human rights investigator kinondena ng CHR

Kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagpatay sa human rights investigator na si Archad Ayao sa Bangsamoro Region.

Ayon kay CHR spokesman, Atty. Jacqueline Ann De Guia, nakaaalarma ang tumataas na bilang ng mga nasasawing human rights advocates sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Aniya, nagdudulot ito ng takot at bababa ang impluwensiya ng mga human rights advocate para ipagtanggol ang hustisya sa bansa.

Humiling naman si De Guia sa pamahalaan na magsagawa ng malalim na imbestigasyon sa pagkamatay ni Ayao at ng iba pang kaso ng pag-atake at harassment sa mga advocate.

Nasawi si Ayao at ang kasamang habal-habal driver sa Cotabato City, araw ng Miyerkules.

Dead-on-arrival ang dalawa sa ospital matapos magtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo.

Read more...