Paglaban sa fake news tiniyak ng PCOO

Tiniyak ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa publiko na ipagpapatuloy nila ang paglaban sa disinformation at pekeng balita.

Kasunod ito ng pagdaraos ng World Press Freedom Day ngayong araw ng Biyernes (May 3).

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni PCOO head Sec. Martin Andanar na ang disinformation o pagkakalat ng fake news ang sumisira sa malayang pamamahayag.

Patuloy pa rin aniyang iginagalang ng administrasyong Duterte ang press freedom sa Pilipinas.

Sa inilabas na World Press Freedom Index noong Abril, sinabi ng Reporters Without Borders na bumaba ang Pilipinas sa ika-133 mula sa dating ika-134 na pwesto.

Read more...