LP supporter ang nag-utos para gawin ang website ayon kay Jayme

Kinumpirma ni Rodel Jayme na isang supporter ng Liberal Party ang kumuha ng kaniyang serbisyo para buuin ang website na ginamit para ibahagi ang serye ng video na “Ang Totoong Narcolist”.

Ibinunyag ito ni Jayme sa press conference sa National Bureau of Investigation (NBI).

Pero ayon kay Jayme, wala siyang ideya sa mga inupload na video.

Ang sinabi umano sa kaniya ay gagamitin ang website para lamang i-highlight ang accomplishments ng nagdaang administrasyon.

Ani Jayme, isang Maru Nguyen at Maru Xie ang binigyan niya ng access para sa nilikha niyang website.

Wala naman pang pinangalanan si Jayme sa kung sinong LP supporter ang kaniyang kausap.

Read more...