Senator Leila De Lima binati ang bunsong anak na nakapasa sa bar exams

Binati ni Senator Leila de Lima ang kaniyang anak na si Vincent Joshua Bohol dahil sa pagkakapasa nito sa bar exams.

Kasama ang bunsong anak ni De Lima sa 1,800 na mga nakapasa sa 2018 bar examination.

Unang ibinahagi sa official Twitter account ni De Lima ang balita na kasama sa mga nakapasa ang kaniyang anak.

Matapos ito ay nag-post siya ng kaniyang mensahe kung saan ipinahahatid nito kay Vincent ang pagbati.

Sinabi ni De Lima na masayang-masaya siya at ito ang maituturing ‘happiest day’ niya sa nakalipas na mahigit dalawang taon.

Read more...