Ilang lalawigan kalapit ng Metro Manila, inulan ngayong hapon

Inulan ang ilang lalawigan na kalapit ng Metro Manila ngayong hapon ng Biyernes, May 3.

Sa inilabas na thunderstorm advisory, alas 2:42 ng hapon, naapektuhan ng malakas na buhos ng ulan na may kaakibat na pagkulog, pagkidlat at malakas na hangin ang Nueva Ecija, Zambales, Bulacan at Laguna.

Isa hanggang dalawang oras na tumagal ang naranasang malakas na pag-ulan.

Samantala, naranasan din ang pag-ulan sa mga bayan ng Gerona at Victoria sa Tarlac; Arayat, Santa Ana, at Candaba sa Pampanga; Rosario, San Juan at Padre Garcia sa Batangas; Candelaria, Sariaya, General Nakar at Infanta sa Quezon.

Kaninang pasado alas 12:00 ng tanghali nang magsimulang ulanin ang ilang lalawigan sa Central Luzon at Calabarzon.

Payo ng PAGASA sa mga residente ang mga malakas at panandaliang pag-ulan ay maaring makapagdulot ng flash floods at landslides.

Read more...