Simula alas 10:00 ng umaga may tig-iisang oras nang rotational brownout ang NGCP sa mga sineserbisyuhang lugar.
Kabilang sa mga naapektuhan ang mga bahagi ng Ilocos Sur, Pampanga, Albay, Quezon, Baguio City, Benguet, Cagayan, Apayao, Zambales, Bataan, Angeles City, Batangas, Camarines Norte, Camarines Sur, at ilang lugar sa Metro Manila.
Ito ay dahil umiral ang red alert sa Luzon Grid dahil sa kapos na kuryente bunsod pa rin ng mga naka-shutdown na planta.
Muli namang hinimok ng NGCP ang publiko na maging matipid sa paggamit ng kuryente.
MOST READ
LATEST STORIES