Bahagi ng Maysilo Circle at Boni sa Mandaluyong isasara sa mga motorista sa Linggo

Labingwalong oras na isasara sa mga motorista ang bahagi ng Maysilo Circle at Boni Avenue sa Mandaluyong City sa Linggo, May 5.

Sa abiso ng City Traffic Enforcement Division ng Mandaluyong, mula alas 5:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng hatinggabi ay sarado ang bahagi ng Maysilo at Boni dahil sa isasagawang miting de avance.

Partikular na apektado ang mula sa bahagi ng Martines Street hanggang bago dumating ng San Francisco.

Magpapatupad na lamang ng two-way traffic mula sa San Fracisco hanggang sa Martinez.

Masasakop din ng pagsasara ang bahagi ng Boni Avenue mula sa Maysilo Circle hanggang sa Sto. Rosario.

Para hindi maabala, pinayuhan ang mga morotista na iwasang dumaan sa nasabing lugar.

Read more...