Sarangani, Davao Occidental niyanig ng lindol

Tumama ang magnitude 4 na lindol sa Davao Occidental, Biyernes ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 78 kilometers Southeast ng Sarangani dakong alas 12:57 ng hapon ng Biyernes, May 3.

May lalim ang lindol na 86 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...