LOOK: Ilang lansangan isasailalim sa repair ngayong weekend

Itutuloy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang road repair at reblocking sa ilang lansangan sa Metro Manila ngayong weekend.

Sa abiso ng DPWH, ang aktibidad ay mag-uumpisa mamayang alas 11:00 ng gabi (May 3).

Maaapektuhan ang sumusunod na mga lansangan.

EDSA
– northbound sa harap ng Baliwag Transit hanggang New York Street
– northbound, 50 metro pagkalagpas ng Magallanes MRT hanggang kilometer 29, outer lane
– southbound bago mag-New York Street hanggang Monte de Piedad, 2nd lane mula sa sidewalk

C5
– harap ng SM Aura sa tabi ng sidewalk

Pinayuhan ng DPWH ang publiko na iwasan munang dumaan sa nasabing mga lugar ngayong weekend para makaiwas sa abala.

Ayon sa DPWH sa Lunes, May 6, alas 5:00 ng umaga ay bubuksan na ang mga apektadong kalsada.

Read more...