BREAKING: 1,800 mula sa 8,155 examiness ang pumasa sa 2018 Bar exam

Mula sa 8,155 na bar examinees noong 2018 Bar exam na ginanap sa University of Santo Tomas (UST) ay 1,800 lamang o 22.07 percent ang nakapasa.

Dinesisyunan ang passing percentage matapos ang deliberasyon ng mga mahistrado ng Korte Suprema sa isang special en banc session.

Dagsa naman na ngayon sa Korte Suprema ang mga nag-aabang ng resulta.

Bandang alas 10:00 ng umaga magsimulang dumating sa SC ang mga kumuha ng pagsusulit.

Ilan sa kanila ay sinamahan ng kanilang mga kaanak at kaibigan.

Read more...