Sa update mula sa PAGASA Hydrology Division, ngayong umaga ng May 3, ang water level ng Angat Dam ay nasa 177.50 meters.
Nabawasan ito ng .47 meters kumpara sa 177.97 meters na water level kahapon.
Ang La Mesa dam ay nabawasan din at ngayon ay nasa 68.44 ang water level kumpara sa 68.45 meters kahapon.
nabawasan din ang water level sa Ambuklao, San Roque at Caliraya dams.
Habang nadagdagan naman ang Binga, Pantabangan at Magat dams.
MOST READ
LATEST STORIES