Guilty ang naging hatol ng Makati Regional Trial Court branch 63 sa isang Chinese national na si Shi Jian Jia.
Ang dayuhang si Shi ay naaresto sa isang drug raid sa Makati City noong Marso ng nakalipas na taon at nakuhanan siya ng P5 milyon halaga ng ilegal na droga .
Ang hatol ay para sa kaso ni Shi na paglabag sa Section 5 Article 2 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Ayon sa Makati court, guilty ang dayuhan sa illegal sale ng 2.8 kilograms na shabu at may katapat itong parusa na habambuhay na pagkakabilanggo at multang P500,000.
Isinagawa ang promulgation kay Shi, Biyernes (May 3) ng umaga sa sala ni Judge Selma Palacio Alaras.
Wala namang kasamang interpreter si Shi kaya isang abogado na lamang ang tumulong at gumamit din ng google translate para maipaunawa sa dayuhan ang hatol ng korte.