Miss Universe 1969 Gloria Diaz mapapanood sa isang comedy series sa Netflix

Mapapanood sa isang comedy series sa Netflix ang aktres at Miss Universe 1969 na si Gloria Diaz.

Magkakaroon ng guest appearance si Diaz sa seryeng “Insatiable.”

Sa kaniyang Instagram ibinahagi ni Diaz ang larawan kasama ang aktor na si Dallas Roberts na gumaganap bilang Bob Armstrong in the sa serye.

Ayon kay Diaz, excited at kinakabahan siya at para pang muli siyang nagsisimula sa showbiz.

Ang naturang serye ay tungkol sa mga beauty queens at beauty pageants at si Diaz ay gaganap mismo bilang kaniyang sarili.

Read more...