Seguridad sa Supreme Court hinigpitan pa kasabay ng inaasahang paglalabas ng resulta ng bar exam

Nakahanda na ang seguridad na ipatutupad sa Korte Suprema sa inaasahang pagdating ng mga mag-aabang sa paglalabas ng resulta ng 2018 Bar examination.

Sa grounds ng Supreme Court, isang malaking LED monitor ang ipinwesto kung saan doon makikita ang lahat ng pangalan ng maswerteng makakapasa sa pagsusulit.

Mayroon na ring inilagay na steel barriers sa bakuran ng SC para maging mas maayos ang pasok ng mga titingin sa resulta.

Maliban sa mga security personnel ng Supreme Court ay may mga naka-standby na ring pulis sa Padre Faura.

Ayon sa sa SC PIO, noong isang taon, umabot sa 8, 155 ang mga kumuha ng pagsusulit.

Read more...