Drug suspect patay sa buy-bust sa loob ng sementeryo sa Maynila

Police banner
Patay sa ikinasang buy-bust operation ang isang umano’y miyembro ng “Bahala na Gang” matapos manlaban sa ikinasang buy-bust operation sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon sa Sta. Cruz police station, ang suspek ay kinilalang si Reynaldo Pascual alyas Ulo, 44 anyos.

Ikinasa ang operasyon sa loob ng Manila North Cemetery sa Blumentritt Street sa Brgy. 347.

Isang undercover agent ang nakabili ng P500 na halaga ng ilegal na droga kay Pascual pero nakatunog ito na pulis ang katransaksyon at nanlaban.

Nadala pa sa Chinese General Hospital ang suspek pero idineklarang dead on arrival.

Nakuha sa crime scene ang walong sachet ng hinihinalang shabu, marked money, pouch, 9mm na baril at tatlong basyo ng bala.

Read more...