Isa pang biktima sa pamamaril sa mosque sa Christchurch noong Marso, pumanaw na; death toll umakyat sa 51

AP Photo
Isa pang biktima ng pamamaril na naganap sa Christchurch mosque sa New Zealand noong March 15 ang pumanaw.

Nasawi dahil sa mga natamo niyang tama ng bala sa katawan ang isang 46 anyos na Turkish na biktima.

Simula nang maganap ang pag-atake noong March 15 ay nanatili na sa Intensive Care unit ang biktima.

Dahil dito umakyat na sa 51 ang death toll sa pag-atake.

Ang suspek sa pamamaril na si Brenton Tarrant, isang Australian ay nakakulong na ngayon at sumasailalim sa pschiatric tests.

Nahaharap sya sa patung-patong na kasong murder at frustrated murder.

Read more...