Chewbacca actor na si Peter Mayhew pumanaw sa edad na 74

Pumanaw na sa edad na 74 ang aktor na si Peter Meyhew na tanyag sa kaniyang pagganap bilang si Chewbacca sa Star Wars films.

Kinumpirma ng kaniyang pamilya ang pagpanaw ng aktor sa kanilang tahanan sa Texas.

Ibinahagi din ang balita sa official Twitter Account ni Mayhew.

Si Mayhew ay gumanaw bilang Chewbacca sa Star Wars noong 1977, Empire Strikes Back (1980), Return of the Jedi (1983), Revenge of the Sith (2005) at The Force Awakens (2015).

Si Mayhew ay sumailalim sa spinal surgery noong July.

Gumamit na noong wheelchair si Mayhew dahil sa hirap na siyang kumilos, pero nagawa niyang maka-recover at nagampanan pa rin ang iconic role sa The Force Awakens.

Read more...