Dalawang weather system umiiral sa bansa ngayong araw – PAGASA

Dalawang weather system ang nakaaapekto sa bansa ngayong araw.

Ayon sa PAGASA, apektado ng frontal system ang extreme Northern Luzon habang easterlies naman ang umiiral sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.

Dahil sa frontal system ang Batanes at Babuyan Group of Islands ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ngayong araw.

Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

Sa Bicol Region naman, buong Visayas at Mindanao bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ang mararanasan na mayroon ding isolated na mga pag-ulan.

Babala ng PAGASA ang mga mararanasang biglaan at malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng flash floods.

Read more...