Babaeng high value target arestado sa Pasig

Arestado ang babaeng high value target na drug suspek sa ikinasang operasyon kontral ilegal na droga sa Pasig City.

Isinagawa ang buy-bust operation sa bahagi ng C. Raymundo Avenue sa Barangay Caniogan kung saan nadakip ang suspek na si Perlita Arias Rendal.

Ayon kay Police Brig. Gen. Christopher Tambungan, direktor ng Eastern Police District, ang naturang suspek ay itinuturing na second level – high value target.

Nakumpiska ng mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) at District Drug Enforcement Unit (DDEU) mula sa suspek ang mga sachet ng shabu, mga cellphone, cash at ang buy-bust money.

Nagsasagawa pa ng imbentaryo sa kung magkano ang halaga ng mga ilegal na drog ana nakuha sa suspek.

Mahaharap siya sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...