Fil-Am jazz performer, natanggal na sa The Voice US

12274379_969578449768019_8141049596861975245_nNatanggal na sa ‘The Voice” ang Filipino-American jazz performer na si Amy Vachal.

Sa katatapos lamang na botohan sa “The Voice” Martes ng gabi sa US at Miyerkules ng umaga dito sa Pilipinas, nabigo si Vachal na maka-abante sa finale ng kompetisyon.

Sa siyam kasi na natirang finalists, kumuha lamang ng apat na aabante sa finale.

Isa si Vachal sa limang nakakuha ng may pinakamababang boto.

Kabilang naman sa apat na finalists at maglalaban-laban sa The Voice finale sina Jordan Smith, si Emily Ann Roberts, Barrett Baber at Jeffrey Austin.

Kasama namang na-eliminate ni Vachal sina Shelby Brown, Braiden Sunshine, Zach Seabaugh at Madi Davis.

Noong Martes, inawit ni Vachal ang “To Make You Feel My Love” ni Bob Dylan.

Read more...