7 anyos na batang lalaki patay matapos makainom ng silver cleaner sa Makati

Nasawi ang isang 7 anyos na batang lalaki matapos na aksidenteng mainom ang silver cleaner na nakalagay sa bote ng softdrinks.

Isinugod ng mga kapitbahay ang batang si Rain Mendoza sa Ospital ng Makati matapos itong nakitang nakahandusay sa banyo na matigas na ang katawan at nakatirik ang mga mata.

Sinabi ng ina ni Rain sa pulisya na nakita nito sa kanilang banyo ang basyong bote ng softdrinks na naglalaman ng silver cleaner.

Aksidente anyang nainom ng bata ang kemikal na ginagamit sa paglilinis ng mga silver na gamit.

Ayon sa doktor na tumingin sa bata, cyanide ingestion ang dahilan ng pagkamatay nito.

Read more...