Ayon sa Indian wather service, ito ay dahil sa inaasahang pag-landfall ng Extremely Severe Cyclonic Storm Fani malapit sa Hindu holy town ng Puri, Biyernes ng hapon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 200 kilometers per hour.
Ayon sa isang opisyal mula sa state relief department, nasa 780,000 na katao ang pansamantalang inilipat sa mas ligtas na lugar mula sa labing-tatlong distrito sa Odisha state.
Nasa 1,000 eskwelahan at government buildings ang inihanda para ma-accommodate ang mahigpit-kumulang isang milyong katao.
Ang Storm Fani ay inaasahang pinakamalakas na bagyong tatama eastern India sa loob ng dalawang dekada.
MOST READ
LATEST STORIES